Thursday, October 25, 2012

Pre-late night work tiktaks

Clocking in for blogging duties.

Pasado alas otso na ako nakarating sa aking camp site at may dala akong Chao Fan at Sausage Special bun galing Chowking. Awa ng Diyos at mainit ang pagkain ko ngayon. Nagwelga ang bilbil ko sa pagkain ko kagabi kahit ginusto ko namang magpagutom at makaramdam ng konting awa sa sarili. Natuwa ako sa sausage special kasi halagang sampung piso yung gulay na amoy utot na. Hindi ko alam kung bakit ganun pero kinain ko parin kasi masama ang nagsasayang ng pagkain. Baka mabalis ako. At dati ay pinapagalitan ako pag hindi ko nauubos ang pagkain. Naalala ko na kung bakit pwede ko nang sandalan ang tiyan ko pag walang magawa sa bus.

At eto na nga, tapos na akong maghapunan. Ano kayang ginagawa ng anak ko ngayon? Sa malamang ay nagpapahele sa kanyang mommy. At siguro ay panis na naman ang paa nya sa kakatakbo buong araw nang nakamedyas. Tinitignan ko ang mga litrato nya sa cellphone ko kanina, naaaliw talaga ako kasi ang bibo at loko nya tignan sa mga litrato. At ang gwapo. Gosh! Sorry sa mga taong nagbabasa nito pero kailangan kong i-hardsell ang anak ko. Anak ko nga eh hahaha!

Ayon, natapos na ang jolt na dala ng unti-unting natutunaw na sugar sa aking tiyan na siya namang magdadagdag ng pulupot sa bilbil kong three layers na ang taas. Mag-iinat lang ako at mag-eencode na ng mga transcript at mag-aayos ng mga encoded documents ng ibang tao. Mamaya nalang uli.

Iniisip kong magvideo chat pero naalala kong shy-type ako. At hindi na lalong nakakatuwa iyon dahil may malaki akong pimpol sa gilid ng butas ng ilong na nagmumukha nang maliit na pasas. Buti na lang busog ako ngayong araw. Maraming salamat, Panginoon.

8 comments:

  1. "Nagwelga ang bilbil ko sa pagkain" lol keep on blogging kuya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Feed me moaRRR!" Wala e. Tamad bumili ng pagkain. Salamat sir!

      Delete
  2. Ilang taon na nga ulit si junior mo?

    Isang sakong habag ang pinadala ko sayo para diyan sa pimpol sa gilid ng butas ng ilong. hindi yan masaya. *can relate*

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2 years and almost 3 months na sir. Gladiator na sya sa lagay na yun.

      Areku talaga. Para syang Mt. Vesuvius.

      Delete
    2. Ayos a. Gusto ko na rin magkaanak. kaya lang anak lang muna sana. wag muna misis. haha.

      May ginawa pala si Erik Matti na short film na title ay Vesuvius.

      Delete
    3. Masaya magkaanak sir. Rewarding. Breaking.

      Tungkol saan yun sir? Nagiipon nga ako para sa isang local film collection.

      Delete
    4. haha. di ko na makita yung link. sa youtube ko lang nakita. bloody mary horror short film.

      Delete
    5. Dibale, sir. Ipapahanap ko nalang sa mga kaibigan kong magaling magsearch at mamirata! hahaha

      Delete