Friday, October 26, 2012

Pag-iipon

At dahil ako'y nasa trabaho pa rin hanggang bukas, heto ang trip kong gawin habang naghihintay datnan ng antok. Pero sa halip na datnan ng antok ay mukhang pagpipiyestahan muna ako ng mga lamok na umaaligid sa aking make-shift quarters. Kakapatay ko lang sa isang lamok na nagsuicide sa pagtapat sa screen ko ngayon.

Anyhow, matapos ang isa na namang lakad kanina ay napag-alaman kong hindi pa raw ako pwedeng umuwi dahil mayroon pang gagawin bukas. Dios mio lord, one day lang ang pahinga pagkatapos noon ay balik destino na naman uli. Buhay trabaho. Hindi na ako magrereklamo dahil kahit papaano ay naibalik na sa akin ang perang ginastos ko sa sarili ko para sa pagkain at iba pang kailangan sa aking paglagi rito.

Anyhow, ako ay nagpalipas oras noong nakaraang mga araw sa pagpunta sa always friendly Booksale. Maganda ang branch nila rito at hindi makalat, malayo sa madalas na kalagayan ng mga branches nila sa ibang mga lugar. Kaunti lang ang selection nila pero maganda rin naman ang mga dala nilang mga titulo. Hindi katulad ng nasa Baguio kung saan bombarded ako ng mga stimuli mula sa bawat sulok ng lugar (kung saan pinagkasya ang mga tao at mga bentang libro, pero lab ko pa rin ang Booksale.)

At nakabili rin ako ng libro, tatlong libro na binabalak kong basahin sa oras na ako'y makarating sa sarili kong balwarte sa mga susunod na linggo. Hindi naman talaga sana ako bibili ng libro para sa sarili dahil mabigat na ang dalahin ko pauwi ng Bulacan at ang totoo pa ay naghahanap ako ng libro para sa dalawang kaibigan (pa-thoughtful pa ang istayl.) Sa kabiguan ko at kaaliwan na rin sa mga nakita ay bumili ako.

Ang una kong nabili ay isang manipis na pocketbook pero "Classic" daw. Ang may akda ay isang Russo na may pangalang Alexander Solzhenitsyn. Dati siyang isang political prisoner sa Russia, kung tama ang aking pagkakaalala. Ang librong iyon ay isinalin lamang sa Inggles at unang nalimbag noong 1962. Nakabasa na rin ako ng mangilan-ngilang pahina at naaliw sa layo ng istilo nya ng pagsusulat. Halatang base ito sa mga totoong mga nangyari sa kanyang pagkakabilanggo noon. Ang malupit pa sa librong ito ay 15 pesos lamang ang halaga nito. Sinunggaban ko kaagad. Wagi ang kinse pesos ko rito. Noong martes ko nabili ang libro.

Kanina lang ay nadagdagan naman ang iuuwi kong libro. Isang war history tungkol sa mga Amerikano. Nahilig ako sa ganitong mga babasahin dahil sa papa ko na mahilig sa kahit anong konektado sa giyera~ armas, pangyayari, mga tao at mga iskandalo. Ito naman ay pinamagatang "The Good War" An Oral History of World War Two at isinulat ni Studs Terkel. Hindi ko alam kung bakit pero ang naiisip ko sa tuwing mababasa ko ang pangalan nya ay ang salitang "turd." Salbahe ako. Pasensya na. Isa na naman itong sulit deal dahil 35 pesos lang. Batikan ako sa pag-uukay ng mga damit pero mahina pa ako sa mga paghahanap ng good quality secondhand books. Naakit ako sa disenyo ng jacket ng libro, pati na rin ang nakalagay na "Pulitzer Prize Winner." Binasa ko lang ang maiksing lagom ng nilalaman nito, pagkatapos ay hooked na ako.

Kapares ng nabili kong war history book ay ang Hannibal ni Thomas Harris. Ginusto ko na itong bilhin noong martes pero may price tag itong 75 pesos. Sabi ko ay "Lower, banker." True enough, nakahanap ako ng isang mas lukot na kopya pero nagkakahalaga ng 30 pesos. Trenta. Lagpas kalahati ang devaluation. Nice find. Kapa ako agad sa pitaka ko at napansing mayroon akong abundance sa 5 peso coins. Ayos. Mababasa ko na rin ang mga gruesome crimes ni Dr. Hannibal Lecter.

Ang huling libro naman sa litrato ay regalo mula sa isang mahalagang tao sa buhay ko. 50 pesos lang ang bili nya rito at inamin naman nya pero nung nakita nya raw ang libro ay binili na nya ito agad para sa akin. Ako naman ay kinilig noong una kong makita ang libro ng paborito kong awtor. Isa siyang prisoner of war noong WW2. At nakasulat sya ng napakaraming librong nagpabaliw, nagpaiyak, nagpatawa, nagpailing at nagpakunot ng noo ng maraming tao. Namatay sya noong 2007 sa pagkakalaglag sa hagdan at hindi sa libo-libong sigarilyong inupos nya. Hindi rin sya naniwala sa iisang pangalan at itsura ng diyos. Kulot at buhok nya at may malago syang bigote. Lalaking lalake. Timequake pala ang titulo ng libro.

Ganoon na lang ang pasasalamat ko sa nagregalo sa akin ng librong iyon. At binigyan nya rin ako ng isang mapagmahal at gwapong anak.

Sulit talaga minsan ang kabagutan at mga sidetrip. Mukhang may mga babasahin ako sa mga  susunod kong pagkakadestino.

12 comments:

  1. wala pa akong nababasang akda ni kurt vonnegut. yaan mo pag natapos ko na ang mga binii ko sa MIBF, susubukan ko yang trip mo. tingnan natin kung maging convert ako. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I won't guarantee, sir. Ako'y nagshe-share lang ng aking mga kamanghaan sa kanyang mga isinulat haha! Ansakit ng ibang libro nya sa Fully Booked, 650 to 800 ata :|

      Delete
    2. okay lang ang mahal na ganyan. madami naman ako kaibigan na magbibigay pag humingi ako. hahaha XD

      nga pala, nakalimutan ko sabihin na nagbabasa ako kanina tungkol sa buhay ni dhamer (dahmer?) yung serial killer. kinilabutan lang ako nung nakita ko ang hanibal nook mo. nabasa ko na kasi yan. haha. nagsunod sunod lang ang mga images sa utak ko.

      Delete
    3. Kaya nga sir e. Investment naman.

      Ah, oo. Si Dahmer na serial killer. Kilabots. Pasensya na sir sa mga graphic images. Panoorin ang video ng mga batang kumakain ng lemon para mabura ang mga imahe! Youtube search na yan!

      Delete
  2. Hindi ako makarelate, puro libro. lol!! pero sure thing, i'll search this books and read these pero hindi ko na papanoorin tong Dahmer na to, dahil i checked the trailer at uhmmm... okay... wag na at bangungutin pa ko. =.="

    ReplyDelete
    Replies
    1. yesser. wag nalang at baka sa iba pa mauwi ang curiosity. basa basa lang sir para pang-aliw sa sarili at para hindi na rin mangalawang ang isip, ganun kasi madalas nangyayari pag kakatapos mag-aral hahaha

      Delete
  3. Good for you na mahilig mag basa...ako paminsan minsan lang...pag uso ang libro kagaya nung harry potter, twilight, atb...hihihi Enjoy reading your books!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngayon lang po ma'am at may kaunting libreng oras. Mahirap na rin po kasing nababakante at dagdag aral na rin. Welcome to my blog po!

      Delete
  4. Habang binabasa ko to ay may lamok ding lumipad. Kala ko pag-iipon sa pera. hehe. Sana magkaroon din ako ng sipag magbasa ng libro. hehe. 1st time ko dito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinapak ako ng lamok pagkatapos ko isulat to, sir. At hindi naman talaga sipag, wala lang talagang magawa haha! Welcome sir at maraming salamat sa pagbisita! :)

      Delete
  5. yey! Masaya ako na maraming bumibisita na dito. Okay tumambay sa espasyo mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sir! maraming nakakaclick ata ng blog ko mula sa blog nyo hehe

      Delete