Thursday, October 4, 2012

Patigasan ng itlog

Minsan, sa mga di-inaasahang pagkakataon at mga tao ay nakakapulot ako ng mga aral sa buhay na matagal ko na palang alam pero ngayon ko lang naiintindihan.

Dumaan ako sa U.P. Diliman para bumisita sa mga kakilala (kakilala dahil sila lang talaga ang kilala ko sa UPD) na nagkataon namang mga Brods ko lahat. Tumambay kami, bisita lang naman talaga para makapagkakwentuhan uli. Matagal na rin kasi simula noong nagkakwentuhan talaga kami. Bukod sa mga kalokohan ng pagiging mga lalake ay nagkaayaan na rin uminom nang kaunti. Sabagay, kaunti lang naman ang nainom mo pag nakakauwi ka pa ng bahay mo (lalo na kung tatawid ka pa ng probinsya para makauwi.)

Dumating ang isang Brod ko galing trabaho, matagal ko na rin siyang kilala. Nagkakilala kami sa tambayang ito rin, 2 years ago siguro. Noong nagsa-summer classes ako sa unibersidad para makagraduate na rin sa wakas. Di ko alam, madedelay pa rin ako ng isa pang taon. Maaliwalas kausap ang taong ito, maraming kwento, maraming tawa sa mga iba't-ibang bagay mula sa babae hanggang sa mga kalokohan ng pagiging isang estudyante, palangiti rin sya. Basta, maaliwalas.

Noong nag-aaral ako sa Baguio ay nagkataon namang umakyat sya para sa isang business meeting. Tumambay naman kami sa tambayan namin doon, sa hagdanan. Same old, same old pa rin. Kwento, tawa, kain, at iba pa. Nung paalis na sya, hinatid namin sya sa sakayan ng bus pero bago yun, tumumba muna kami ng ilang bote ng Red Horse bilang Bon Voyage sa kanyang 7-hour trip pabalik ng Maynila. Doon ko sya mas lubos na nakilala.

Mahirap kasi makahanap ng mga taong kapareho mo ng pinagdaanan sa buhay. Hindi naman katulad na katulad sa bawat detalye kundi yung may kapareho mo ng pananaw sa mga pangyayari sa buhay mo. Gaya ko, maaga rin sya nagkaroon ng pamilya. Naikwento nya ang istorya nila noon ng ex nya (ex dahil asawa na nya ngayon, magandang panggulat sa mga tao kasi witty at makulit, anyhow) at ang mga panahon ng paggapang nila para makabuo ng pamilya. Pagsisimula: lagi namang simula ang mahirap. Natuwa ako dahil may nakakaintindi sa akin, gulong-gulo kasi ako ng mga panahong iyon. Nakakaiyak balikan ang mga alaala pero nangyari na. Nakapulot ako ng mga aral sa Brod ko na yon. Kaya ganoon nalang ang respeto ko sa kanya at sa mga binitawan nyang payo at paalala bago sya umalis. "Hindi laging mahirap, gagaan din yan balang araw." Totoo nga, honest ang Brod ko na ito.

Balik sa kasalukuyang panahon, nagkaharap kami muli. Yung kwentuhan at usap talaga, syempre may kasamang alak pero konti lang naman (seryosong konti na ang sinasabi ko rito.) Sabi nya "Alam mo Brod, binibida kita dun sa Ex ko nung nagkita tayo minsan. Sabi ko sa kanya 'Yang Brod ko na yan, matigas ang itlog nyan.' syempre nagulat ako at natawa nang bahagya. "Matigas ang itlog?" Hahaha kahit ngayon natatawa parin ako pero dagdag nya "Kasi dumaan rin sa hirap ng pagsisimula ng pamilya, hindi bumitaw."

Ganun din naman ang tingin ko sa kanya. Matigas ang itlog. Umapaw sa bote ng beer ang respeto ko para sa kanya nung gabing yun. Dagdag pa roon, natandaan nya ang kwento ko at nai-share din sa iba. Kumbaga, tumatak din sa kanya ang rantings ko noon. Nakailang 'cheers' din kami at ilang bote ang naubos sa kakacheers na yun. 

Noon una, nagbebenta raw sya ng sandwich sa mga ospital na binebentahan nya ng gamot, sideline kumbaga. Gourmet raw ang gimik para malakas ang hatak sa mga bumibili. Sa sobrang patok daw, mas malakas ang benta nyang mga sandwich noon kesa sa benta ng mga ospital at may nag pre-orders pa. Hanep. Kayod talaga.

Hindi ko inisip na makakahanap ako ng pampalakas ng loob sa mga taong minsan ko lang nakikita. Madalas kasi, puro mga balasubas ang kaharap ko sa inuman. Mga bastos haha pero may sense din naman kausap paminsan. Natutuwa ako at nakakilala ako ng mga taong tulad nila. 

Wula langs, shinare ko lang.

8 comments:

  1. Replies
    1. Sa may tabi ng casaa sir, sa may papuntang benton

      Delete
    2. ser, may bilog ka rin ba na scar sa may kamay? required ba yun o optional?

      Delete
    3. Proudly, meron sir. Optional pero more on earned.

      Delete
    4. interesting. kwetuhan tayo tungkol diyan minsan ser!

      Delete
    5. sure, sir. Akala ko nga bigla kayong magcocomment na "uuuy! Brod pala kita!" hahaha

      Delete
  2. para-paraan lang talaga Siya ng pagturo sa atin ng mga makbuluhang bagy sa buhay.

    ReplyDelete