Heto, unang beses kong magsusulat bago pumunta ng trabaho. Well, technically tinulugan ko ang trabaho ko dahil sa mismong opisina ako natutulog for the past 2 weeks. Hindi ko pa rin maintindihan ang ginagawa ko rito. Clueless.
Sabagay, kailangan ko pa sigurong mag-isip nang mas malalim. Ang tanging reprieve ko ngayon ay ang ideya na makikita ko ang anak ko pagdating ng maiksing bakasyon na nakalaan para sa paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay. Naalala ko tuloy ang tita ko na nawala noong nakaraang taon. Mag-iisang taon na rin mula nang pumanaw ang Tita Mila. Nakakamiss ang tita. Sana nagustuhan nya ang memorial tattoo ko para sa kanya. Nginig ang taba ko sa tagiliran dun ah.
Naghihintay lang ako ngayon sa labas ng opisina. Pumapatay ng oras bago sumabak sa trabaho. Sa ibang bayan kasi gagawin ang aktibidad para ngayong araw. Ayan, 7:00 na. Wala pa rin sila. Ang daya lang at ang aga kong gumising para rito. At kung tutuusin, dumadayo pa ko rito para sa trabahong dapat ay kaya nilang gawin. Sabagay, binabayaran naman ako pero hindi nila ako binabayaran nang sapat para mahiwalay sa pamilya ko. Ang iniisip ko nalang ay trabaho 'to. Ang trabaho ay trabaho. Tulad ng pagluwas tungong Maynila ng alas tres ng umaga para makahabol sa bus ng alas kwatro para maghintay lang ng kalahating oras sa kausap na hindi marunong sumunod sa oras na napag-usapan (sila pa mismo ang nagbigay ng takdang oras nito.)
Kalahati lang ang upo ng pwet ko sa hagdan ng opisina, palibasa sa may pinto ako nakaupo. Buti nalang at iniwan kong bukas ang Wi-fi para kahit papaano ay makatrabaho sa gabi at makapag-aliw. Huwebes na, sana makauwi na ako bukas. Nami-miss ko na ang kama ko. Ang lutong bahay kahit ginisang sardinas lang na maraming sibuyas. Nami-miss ko na ang anak ko. Nami-miss ko na ang sarili kong probinsya. Nakakatawa dahil parang estudyante ako uli. Mas matibay lang ako noon dahil hindi ko namamalayan ang ganitong bagay dahil madalas ay lango ako sa impluwensya ng kaibigan at alak.
Teka. Maghihintay muna ako sa kanila. Baka biglang makaramdam ng pagkalate. 7:05 na. Hindi naman ako nagmamadali pero sana sinabi nilang hindi sila marunong tumingin ng oras sa mga mamahaling relo nila. Wala pa pala akong almusal, sa malamang ay nagpapakabusog pa ang mga iyon sa mainit na pandesal na may palamang malasadong itlog at konting ketchup. O di kaya'y maling, corned beef o hotdog na bagong luto. With matching kape at pagbabasa ng dyaryo sa isang maulan at malamig na umaga. Penge naman ako nyan. Skyflakes at saging lang ang kinain ko kagabi e.
P.S. (Muntik ko nang makalimutan.)
Nagpapasalamat naman ako dahil sa pagdating ng kain ay sagana talaga. Himas tiyan nga ako pagkatapos para suriin ang biglang paglaki ng bilbil ko sa dami ng pagkain. Pero dapat ring intindihin ang mga simpleng paggalang sa lugar ng trabaho. Kita nyo, 7:30 na hindi pa tayo umaalis. Kararating nyo lang. Anubanamanyan? Hindi rin ako nagrereklamo dahil magaan lang ang load ko pero sana naman kung papapuntahin nyo ako sa malayong lugar ay sana man lang ay may pamasahe ako papunta at pabalik. Hindi naman ako mayaman para maglabas ng pera nang ganun ganun na lang. Sige na. Hindi ako nagrereklamo, sana lang kako ay alam nyo ang mga ito. Salamat sa paparating na sahod!
kuya ano pong klaseng tattoo pinalagay nyo? *curious-
ReplyDeleteoo nga pla, pano ko po ba kayo ma-fafollow? Gusto ko po kasi kayo ifallow kaso po subscribe version lang po yung nakikita ko. =.="
Black and gray headstone lang na may inscription na "Everything was beautiful and nothing hurt." Galing sa isang libro ni Kurt Vonnegut.
DeleteSige sir, maglalagay ako ng follow button. Haha hindi ko inakalang may magfa-follow ng blog ko e kaya di ako naglagay. Salamat! :)
ser chee, anong itsura ng memorial tat mo kay Tita Mila? Ipost na yan.
ReplyDeleteDito pala nanggaling ang follower. haha. Apir!
I-search nyo sir yung quote na yun. Sigurado may lalabas na image ng tatt. Haha conscious ako sa bilbil tower ko.
Delete