Eto, may gig uli kami. Party uli. Syempre kainan, inuman, lasingan, tugtugan uli. May konting sayawan din at maraming alak na involved. Nauuhaw ako, sayang hindi pa pwedeng uminom. Pero syempre, sisimple at sisimple rin naman ako. Pwede ba yun na sila lang ang iinom eh kami naman ang magpeperform? Tugtugan na naman. Heto na, rakrakan uli.
Masarap sana yung mga pagkain sa party nila kaso malamig na, maaga kasi ata sila nagsimula kumain. Maraming ulam, syempre may karne, karamihan kasi mga lalaki. Konting gulay, masarap yung parang chopsuey na parang gravy instead of light sauce. Pero malamig na nga, at nagdidiyeta rin ako. Mahirap na, inuman mga pinupuntahan namin e tapos kain tapos sigarilyo. Puro bisyo, tawag ng katawan. Buti nalang sagana ako sa tulog, isang bisyong hinding hindi ko bibitiwan. Bakit? Bakit hindi? Libre na, masarap pa. May mga nakikita pa kong mga taong matagal ko nang di nakakausap o nayayakap. Sa tulog, di pa lumalaki tiyan ko, o nangunguluntoy ang baga ko sa usok, hindi rin lumiliit ang mga pupils ko sa pagbabatak at pagtuturok. Tapos na ko dun. Tulog na lang, maluwag naman ang sched kasi gabi naman kadalasan ang gig.
Nakarating kami sa lugar, private function. Parang maliit na convention room sa college namin. Pamilyar kasi sliding doors at may mga monobloc na upuan, yung kulay light cyan. Shet, cyan. Puma- fine arts, color wheel? Malamig yung buga ng aircon sa lugar. Saktong pangmaliit lang na audience pero kaya ring sagarin para all out party. Puro mga lalake ang audience, patay. Halo-halong mga mukha at ekspresyon. Top floor? Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar a. Madalas kasi mga bar tapos maliit lang na venue. Yaming.
Wala kaming instrumentong dala, sana nga meron nalang. Mas cool yun kahit mabigat. Sarap din sanang mag-gitara kaso limot ko na ang mga chords, layo na sa dating tambay days. At balik tayo sa ball game. Ayos na ng set, dasal muna bago performance, tapik at yakap sa mga ka-banda ko. May dasal nga pero walang senyales ng krus, laos na yun.
Tuloy ang tugtugan, palakas ng palakas. Sa unang set, patikim lang naman. Konting indak at lakad, para bang nagpapakita ng primera klaseng mga gamit. Nakalimutan ko yung espanyol na tawag dun eh. Mamaya nalang, iisipin ko muna uli. Baka dumugo ang brains ko. Tahimik lang muna sila, pero nagkukumpulan na. Aba, concentrate talaga ha. Sige, pak na pak yan mamaya. Putok utak 'tong mga to sa third set.
Okay, break time. Time to get my drink on, iinom na ko. Isang beer lang naman e, pasimple habang nasa backstage, iilan lang naman ang makakapasok dito. At pampatibay rin ng loob, kahit propesyonal na ako eh may kaba pa rin pag humahataw na. Hindi mo naman matuturuang maging professional ang mga kalamnan mo, kikiligin ka pa rin, nenerbyusin at manginginig. Di baleng maghiyawan sila, basta wag lang yung tahimik at parang nadismaya. Talo kami roon. Not good for business.
One bottle, two bottles, half bottle. Pasok sa second set. Eto medyo mellow naman ang tugtugan, pampaandar ng mood. Sexy tunes pero may kaunting tugs pa rin. Ayon! Muebles fuertes! Panahon na para magbigay ng patikim. Hindi naman ako naiilang kasi matagal ko na silang kasama. Magkakakilala naman na kami at matagal na rin sa ganitong gig. Cool lang. Dapat cool. Kumpulan na sila, naghihintay ng next attraction. Kinindatan ko yung isang medyo bata bata pa. Parang kakagraduate lang ng college. Halos sing tanda ko. Medyo kinilig, namula yung mukha at tenga. Kita ko pa rin kahit madilim. Ako pa? Professional nga ako eh.
Dim lights for the next set. Final na to, time to bring my A game! Dito na puputok ang mga kung anong pwedeng pumutok sa kanila. Masarap sa pakiramdam na nakakapagpasaya ka kasi tinatrabaho mo talaga. Buti nalang malaki narin ang pera at may libreng food. Change costume. Sumisikip ang paligid at bumilis na ang oras. 3 hours na pala kami, oras na para sa finale. Big ending namin yung... secret. Kailangang magbayad ng entrance para malaman ang big ending. Magkano ba laman ng wallet mo?
Pero dahil bukal ang aking kalooban, ishe-share ko narin. Pero tikim lang, para babalikan ka. Yun naman ang sikreto dun. Komportable na kami, relaxed dahil sa ilang bote ng beer at konting shots. Nagpuslit yung isang kasama namin ng maliit na bote, good for 5. *Pop!* Hooked kagad sila. Pano ba naman, hinalikan ko yung isang kasama ko. With matching hagod at salat at kung anu-anong hipo. Feel na feel din naman namin, magaganda naman kasi kami ng mga kasama ko. Obvious naman kasi kami ang pinili. Yung iba nga dito regular audience namin. Nakatiklop na yung mga sleeves ng mga polo nila, parang galing trabaho pa yung iba. Teka, nagkakalimutan na e. Magkano ba laman ng wallet mo?
Middle-aged men, isang younger group at kaunting may edad na rin. All eyes were peeled for the next big thing. They all watched as each girl shoved their tongues into one seething mouth after the other. It was a Colosseum for working-class hustlers. Girl hustlers as gladiators never seem to fail the male desire, no, fantasy. With quick jabs of sharp tongues, they switched partners, one to the other and so on. The group was silent and eager to watch. The nubile bodies were merging to form a synchronized and decadent being. The prior meetings and agreements were lost in the silent merrymaking. And that's before even the panties dropped.
May pera naman kasi sila, akala mo masaya na sa buhay pero may mas isasaya pa pala sa may pera. Eh ako good na ko dito pero iba parin yung may extra. Mayayaman nga. Naghirap din sa kayod 'tong mga to. Hindi rin naman kasi mumurahin ang mga gintong relo nila at mga magagandang sapatos. Kayod nga sila ng kayod para kumita ng pera. Pare-pareho lang pala kami kung tutuusin: kumakayod lahat para sa pera. Yung sakin, ibang 'kayod' lang. Hahahaha! Tamang pa-sweldo lang naman ang hanap ko, sa kanila nalang yung sobrang pera kung ganyang gastos lang din naman pala ang uuwian. Professionals nga. Professionals kaming lahat."
...
Hayop makahabi ng kwento ser!
ReplyDeletegumu-gonzo! subok lang, baka may maniwala.
ReplyDeleteoo nga. napaisip nga ako nung una. haha XD ikaw na ang magaling!
ReplyDeletesulat sulat lang din. baka may lumabas din na maganda minsan sir hahaha
Delete