Wednesday, October 3, 2012

napakarandom ng post na to

Hindi ko alam kung ano'ng meron sa "Skinny Love" ni Birdy (oo, Birdy ang pangalan nya at sya ay menor de edad, shame on you) pero nakakakati ulit-ulitin.



Malungkot pero maganda. At ang konsepto ng isang 'skinny love' ay parang masarap palawakin. Ba't nga ba 'skinny?' Skinny jeans? Payat lang talaga? Siguro nga payat lang. Kulang? Ewan. Mahirap ipaliwanag nang buo pero parang masarap isipin.

Naalala ko tuloy 'nung una kong nalaman ang ibig sabihin ng salitang 'melancholy.' Tatay ko pa ang nagsabi nun, of all people, inisip ko 'nung bata ako tho mas naiintindihan ko na ngayon. Marami rin syang pwedeng ikalungkot. 

Shet ang deep ng sugat ng melancholic na tao. Depressed in spirits? Damn right.

Sumasali pa ang "Ghost of a Good Thing" ng Dashboard Confessional. Bwisit kang iPod ka, bakit kasi gumana ka pa uli. Patay ka na e.

2 comments:

  1. Maganda ang boses ni Birdy. at napaisip ako sa konsepto ng skinny love.

    ReplyDelete
    Replies
    1. medyo ambiguous nga para sakin yung konsepto sir, pero heartbreak song talaga.

      Delete