Showing posts with label binge. Show all posts
Showing posts with label binge. Show all posts

Monday, April 8, 2013

round two

this is how we die
nakaw mula sa kaibigang balikbayan
Heto na naman nga at nagpopost ako ng litrato ng ininom namin noong sabado lang. Kagagaling ko lamang ng Bicol upang bumisita sa mga kamag-anak at ito ang sumalubong sa akin. Hindi naman ako umaangal pero hanggang ngayon ay malabnaw pa rin ang dugo ko dahil sa dami ng alkohol na aming nakonsumo noong araw na iyon.

Masaya ang pagsasalu-salo namin. Bumalik kasi ng bansa ang isa sa aming pinakamalapit na kaibigan, treat nya ang alak at sagot namin ang pag-ubos nito. Plastado kami nang maubos ito. Buti nalang at maraming yelo pangkontra na rin sa sobrang init ng panahon. Wala kaming litrato habang nagkakasiyahan dahil abala sa pakikipagkwentuhan.

Minsan naiisip ko kung totoo bang tinatanggap ko na ang responsibilidad ng isang pagiging young adult. Napapansin ko kasing hindi naman nabawasan ang pakikisama ko sa mga kaibigan ko kahit na nagkaroon na kami ng mga trabaho at kanya kanyang pinagkakaabalahan. 

Tumatanda kami pero parang hindi umuusad sa responsibilidad. Ang ginagawa ko nalang pag ganoon ang naiisip ko ay tinatagayan ko pa ang sarili ko nang mas mataas na shot, boom, tapos ang pagninilay-nilay. Sinasamantala ko lang ang panahon hangga't kaya. Mabuti na yung ganoon para sa'kin. 

Mas mahirap naman maghanap ng ganitong samahan kesa magpapayat at magbawas ng bisyo. Maswerte talaga ako sa buhay ko. Pakshet.

Tuesday, October 9, 2012

Roofdeck

"Minsan, hindi ko na alam kung ano ang iisipin sa buhay professional ko. Pro ako kasi may trabaho naman ako, kumikita ng pera sa... sa... sa ano nga bang paraan?

Eto, may gig uli kami. Party uli. Syempre kainan, inuman, lasingan, tugtugan uli. May konting sayawan din at maraming alak na involved. Nauuhaw ako, sayang hindi pa pwedeng uminom. Pero syempre, sisimple at sisimple rin naman ako. Pwede ba yun na sila lang ang iinom eh kami naman ang magpeperform? Tugtugan na naman. Heto na, rakrakan uli.

Masarap sana yung mga pagkain sa party nila kaso malamig na, maaga kasi ata sila nagsimula kumain. Maraming ulam, syempre may karne, karamihan kasi mga lalaki. Konting gulay, masarap yung parang chopsuey na parang gravy instead of light sauce. Pero malamig na nga, at nagdidiyeta rin ako. Mahirap na, inuman mga pinupuntahan namin e tapos kain tapos sigarilyo. Puro bisyo, tawag ng katawan. Buti nalang sagana ako sa tulog, isang bisyong hinding hindi ko bibitiwan. Bakit? Bakit hindi? Libre na, masarap pa. May mga nakikita pa kong mga taong matagal ko nang di nakakausap o nayayakap. Sa tulog, di pa lumalaki tiyan ko, o nangunguluntoy ang baga ko sa usok, hindi rin lumiliit ang mga pupils ko sa pagbabatak at pagtuturok. Tapos na ko dun. Tulog na lang, maluwag naman ang sched kasi gabi naman kadalasan ang gig.

Wednesday, May 9, 2012

Hangover Remedy

For the usually inebriated, alcohol can bring many good things to their dizzying world of spins and bar-room brawls. To name a popular few, things appear to be lighter in the eyes of a boozed man. People's faces light up hence the famous "beer goggles" that so many have sworn to have fallen victim to. Then there are the usual unhinging of social insecurities like talking to other persons, most probably that of the opposite sex. And then there's just the liberating feeling of being with friends and getting hammered entirely for a night, calling it a "blank day" that ultimately feels and hurts like it the next day.

No, this post is not about the movie "Hangover."