Tuesday, October 16, 2012

Ekspendabols on da bus

Noong linggo, habang bumibiyahe pabalik ng Bulacan ay naabutan ko ang The Expendables 2 na palabas sa bus na sinasakyan ko. Medyo late na ang post na ito dahil tapos na ang Expendables mania (kung meron man) at naaliw ako sa napanood ko. Sa sobrang testosterone overload eh pinagpawisan yung palad ko sa panonood. Pano ba naman kasi, ang entrance pa lang nila eh amped up na sa action star goodness.

How do you keep all (well, most) of your lead actors alive at the end of the film? Get action heroes from past to present films. First off, you'll never have to worry about ammo since they all seem to have the best guns with the longest ammo clips in history. Their combat skills are second to none. They shoot crazy well even with just a six-shooter or throwing knives. They have that unique kill streak with things exploding everywhere. They get roughed up a bit but fucks their enemies to a mist. Too bad, Liam Hemsworth got held up by Scott Adkins (Yuri Boyka in Undisputed 2 and 3) and Jean Claude Van Damme (dapat kilala nyo to kahit di kayo action flick fanatic.) Execution by a stab to the heart delivered by a spinning side heel kick: just pure theatrics.

I can't say the movie is all good, it is fun to watch though. Ang mga karakter ang nagbigay ng badass mofo air sa pelikula. Ito ang breakdown nila:

1. Sylvester Stallone - Unang una sa listahan ang direktor ng unang Expendables film. Rambo eh, kaso may soft spot para sa mga gypsy chicks at sa mga taong nangangailangan ng tulong. Killing machine with a good heart and a gunslinger trigger finger? Pasok sya dun, at maganda rin ang kanyang shoulder and sleeve piece.

2. Jet Li - "Great beer!" Mabilis lang talaga sya, pati pagkuha nya ng beer sa waiter ay kailangang idaan sa pagtakbo sa gilid ng pader at perfect 10.0 landing. Sayang lang at sa intro lang sya nakita.

3. Randy Couture - "The Natural." Idol ko si Randy dahil true life gladiator sya. At macho din pati tenga nya dahil sa wrestler's ear infection nya. Kaya nyang i-flex yun at will.

4. Dolph Lundgren - isang make believe Russian Cosmonaut na sa totoong buhay ay mayroong IQ at degree na sa panaginip lang nakukuha ng karamihan sa atin. Sa tingin ko size 18 ang boots nya at yung kyutsilyo nya ay, well, kyut to say the least.

5. Terry Crews - Si Old Spice man. Popopopopopopoweeeerrr! Kung hindi nyo pa napanood ang Old Spice ads ay hindi nyo maiintindihan. At magaling din siyang kumanta ng "A Thousand Miles." Eto ang video nya sa commercial. Peborit ko ang mga hirit nya sa pelikula.

6. Chuck Norris - ito ay hindi ko na kailangang ipaliwanag pa.

7. Bruce Willis - Si Church. Die Hard action hero. At maganda ang porma nya habang pumapatay ng mga kalaban.

8. Arnold Schwarz~ Si Terminator at Predator killer. Ang childhood action hero ko. Well, THE LAST ACTION HERO. Nakailang "I'll be back" references sya sa pelikula.

9. Jason Statham - Transporter, Chev Chelios. Crazy badass ang pagtatapon nya ng mga kutsilyo laban na sa chapel scene sa pelikula. May insenso pang dala. Pati ang 'classic' style nya gamit ang knuckle dusters.

10. Scott Adkins - Sayang at mabilis ang role nya. Sana lang pinahaba pa ang fight scene nila ni Statham. Maganda sana kung ala Undisputed ang galing nya sa pelikula at todo knife fight ang nangyari. Wala syang laban sa helicopter blades.

11. Jean Claude Van Damme - gamit ang kanyang Frenchie accent sa "Don't challenge me" na linya, nakakaaliw panuorin si Guile na maging kontrabida. Short lived ang kanyang role dahil naging masama lang naman sya nang buo dahil sa pagpatay nya kay Hemsworth.

Marami rin akong naalalang scenes mula sa Call of Duty MW2. Yung airport shootout na buti nalang ay mga kontrabida ang itinumba, kawawa naman kasi ang mga sibilyan sa shootout sa game. Ang recreated New York neighborhood scene ay katulad naman ng sa siege ng Russians sa Amerika. All out war nga. Sayang nga at hindi mga totoong tao sina Mason, Price, Roach at Ghost. Mas all-star cast sana.

Pasensya na kung hindi nyo pa napanuod ang pelikula. Maraming spoiler pero nakakaaliw talaga. Matatawa ka na lang sa mga hirit nila. Lame puns pa minsan. At dagdag pala sa survival tips ng mga leading action stars, add a "lucky ring."

Sana'y makasulat ako ng totoong movie review.


No comments:

Post a Comment