Ang pagsusulat ang isa sa mga naging magandang nangyari sa buhay ko. Sa ngayon, ito ang aking ikinabubuhay at minsan ay ikinasasama ng loob. Sabagay, ganoon nga siguro ang isang love/hate relationship- bittersweet.
At bilang pasasalamat sa mga taong nakatulong sa aking pagsusulat, inaalay ko ang aking post na ito sa mga writers.
Hindi ko nalang nunumerohan ang pagkakasunod-sunod sa aking pasasalamat.
Mama - hindi ko noon alam kung paano sumulat nang tama. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil sinabi nyang "I" ang tamang spelling. Nagsulat kasi ako ng dedication sa sewing kit nya noon at eto ang nakasulat: "Dear mama, Ay lab yu very mucH." With mathcing stickman drawing in blue permanent ink. Milestone yan sa aking career.
CMLI speaker sa writing noong elementary ako - Hindi ko na alam ang pangalan nya pero malaki ang ambag nya sa aking pagsusulat. Noon ko lang nalaman nang tuluyan na gusto ko at may kaunting talent ako sa pagsusulat. Nasagot ko ang tanong nya tungkol sa tawag sa nest ng eagle: eyerie. Nagcheck pa ako uli sa google para i-confirm. Maraming salamat sa Warcraft na laro sa PS, doon ko unang nabasa ang salitang iyon.
Isang teacher sa Letran Manila - Pinaglaban nya ang spot ko sa junior paper namin. Ngayon ko lang nalaman. At binigyan nya ako ng libro para sa pagsusulat noong graduation ko sa elementarya. Sulit ang libro kasi delubyo na ang pinagwagian nito. Nabuhay sya noong kasagsagan ng Ondoy.
Dalawang natatanging professor sa UPB na parang nanay ko na rin - Kung hindi tama ang isinulat ko, isasabit nila akong patiwarik hanggang sa maitama ko. Very inspirational.
Isang senior editor sa PDI Northern Luzon - Sir Rolly, alam mo na yan. Maraming salamat at mababa ang mga grades mo sa akin sa mga news writing classes natin noon. Natuto akong magpaiksi ng mga sentences para sumakto sa word count. Di ko malilimutan ang headlines ay bylines ko na kinarne nyo gamit ang pulang tinta at multiple-5 combos. Astig din ang inyong puting bigote-balbas tandem. Sana pag tanda ko ay nasa pagsusulat pa rin ako gaya ninyo.
Isang instructor sa UPB na isa nang travel blogger/instructor/many more things - Sir Amer, takot na takot ako sa mga classes natin noon. Salamat sa intimidation at media studies class. Nalaman kong maitutulak ko pa ang sarili ko upang magsulat nang mas maayos. Astig din ang inyong blog. Inspirasyon dulot ng reply ninyo sa comment ko ang nagtulak sakin upang magsulat nito.
Isa pang instructor sa UPB na maraming slash sa kanyang repertoire of skills - Ma'am Carol, maraming salamat sa pagnominate sa akin sa class. Nanghihinayang pa rin ako at tinanggihan ko iyon. Ang inyong acknowledgement sa aking pagsusulat ay memorable. May nakakapansin din pala.
Isang kaibigan na poet - That shit's profound, man. Hindi ko pa rin magaya ang poetry style mo.
Isang kaibigang hayop magsulat - Lamang ako sa'yo sa dami ng buhok. Pero olat sa experience. Natuwa ako nang malamang creative writing pala ang kinuha mo sa UPLB. Sayang talaga at hindi ako nakasubok mag-aral doon. E di sana baka nawisikan ako ng iyong talento.
Isang kaklase ko noon - Bata ka pa, ganyan ka na. Pano pa kung sumabak ka na sa peryodiko? Edi patay patay na? Seryosong talento yan. Naaaliw at natututo ako sa mga isinusulat mo.
Sa isang kapwa blogger - Sir, naengganyo akong subukang muli ang bernakular sa pagsusulat. Muli kong nadiskubre na marunong pala akong magsulat sa sariling wika. Ang mga topics sa blog mo ay malamig sa mata at warm sa feelings. Naks.
Para sa GQ magazine - Soon. Soon.
Sa isang kaklaseng naging kaibigan - Pre, sumulat ka pa at nawawalan na ko ng mga babasahin. Bilisan mo. Daya mo e.
Vonnegut at Thompson - Bakit kasi ang aga ninyong nawala? Di kaya'y bakit kasi ngayon ko lang kayo nabasa?
May mga ilan pa ata akong hindi naisama dito. Gagawa ako ng part 2 pag naalala ko. Isusulat ko siguro sa pulso ko para matandaan ko. Kailangan ko nang matulog para sa isa na namang field work bukas. Para sa muse ko pala, pahabol: thanks.
at bilang isa sa mga reader mo dito sa mundo ng blogosperyo, at taga subaybay mo na rin, minomotivate ka din namin na ipagpatuloy mo lang ang iyong pagbablog.
ReplyDeleteYessir! Salamat!
Deletenaging head ako ng CMLI. small world :)
ReplyDeleteNatawa ako sa Keso. At ehem, naglagay ka na ng follower. Pur shur, dadami yan na parang mga informal settlers. Hoho.
ReplyDeleteApir!
Ismol world indeed! Hindi ako naglalagay sir kasi di naman ako siguradong may mga nagbabasa dito bukod sa mga taong nakakaalam. Salamat po!
DeleteNaku, sa galing mo magsulat, hintayin mo lang. Baka pagkakitaan mo pa yang blog mo. Ayun nga lang, hindi na siya magiging pribadong espasyo. hehe.
ReplyDeleteSalamat sa pagpuna sir. Maaiba na ang lagay pag pinagkakitaan. Iba pa rin ang ginagawa dahil sa gusto lang at walang ibang dahilan.
Deletetotoo yan. napaisip pala ako ngayon lang. anong meron sa keso?
DeleteDiba? Diba? Nothing much sir. Dikit lang sa palayaw ko. CHEEse.
DeleteHahahaha! i was expecting a more profound explanation. pero hahaha, mas gusto ko tong tunay na dahilan mo. masyado akong nag overthink. hahahaha XD
DeleteNaisin ko man pong maging profound ay hanggang doon na lamang po ang hangganan ng paliwanag hahaha
DeleteHi, Chee!
ReplyDeleteI only got to read this now. Ito ang isa sa pinakamagandang birthday gift na natanggap ko ngayong taon. Salamat! Ang mga estudyanteng tulad mo ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga gurong nanatili sa kanilang prupesyon sa kabila ng lahat.
Aabangan ko ang GQ article mo. Pa-autograph! :)
Hi sir! I'm glad nabasa nyo po. At salamat po uli hehe nakaune in ako palagi sa blog nyo. Ako nga dapat magpa-autograph sir. naka-ilang appearance na ang Juanderkid sa Rappler!
Delete