Friday, October 26, 2012

Good morning, blue friday

Magandang umaga at isang malamig na spaghetti bilang almusal.

Nakalimutan kong banggitin ang mga sumusunod sa aking nakalipas na post ng pasasalamat.

Isang senior editor ng PDI Northern Luzon - Sir Jawo, tanda ko pa rin ang ten commandments ng mga peryodista na ipinatatak nyo sa amin sa klase. Hinding hindi ko malilimutan ang libel clause doon. Responsibilidad at isang karangalan ang pagsusulat sa peryodiko o sa kahit anong limbagan ng isip at katotohanan. Dahil sa mga deadlines sa klase ay natutunan kong madaling mapanis ang balita. Sana ang kinain kong spahhetti ay hindi panis. Maraming salamat din po sa mini Guyito stuffed toy na pinagpaubaya ninyo sa akin. May ikukwento ako sa aking anak pagdating ng panahon. Limited edition kaya yun kasi may santa hat pa.

Sa aking trabaho - Maraming salamat rin at nakahanap ako ng pagbubuhusan ng aking pinag-aralan sa loob ng limang taon. Bukod sa pangunahing pinagmumulan ng aking ikinabubuhay at ikinabibisyo, ang mga istilong kinailangan kong aralin at palabasin sa aking mga gawa ay nakakapagpabago ng ideya tungkol sa pagsusulat. Practice makes perfect nga, kailangan ko pa ng mas maraming practice. Kulang pa ang abilidad ko upang gampanan nang lubusan ang aking trabaho. Pasensya na kung ako'y mareklamo kung minsan. Pakipot ka rin kasi.

Ayan, may iba pa akong dapat pasalamatan pero iniisip ko pa. Isa na naman itong singit na post sa aking busy-busy-han na schedule. Sana ay makauwi ako mamya sa amin. Marami pa akong ie-encode pagdating sa bahay. Let's destroy our deadlines. Madaling mapanis ang balita.

7 comments:

  1. PS: nakakaasar ang prove you're not a robot. alisin mo na. hehe XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagfi-feeling journo, sir!

      Saan po lumalabas ang captcha? Di ko alam kung pano dahil bagsak ako sa online journalism class ko. Shit. Basic HTML blues. :|

      Delete
    2. Ayon yata yung sa may spam comment protector shiz. hahaha. Yung saken tinanggal ko kasi naapprove ko naman yung mga comments bago ipost :)

      Delete
    3. Paano po kaya tatanggalin yun sir? Wala talaga akong clue. Sinubukan ko sa comments pero walang settings para doon. :|

      Delete
    4. natanggal mo na! hohoho! ang saya magcomment na hindi na mag effort magbasa ng nakakaduling na code!

      Delete
    5. Aw yiss. Nahanap ko na. Singkit kasi ako kaya di ko makita haha

      Delete