Dahil usapang bata na lang din naman, ipapaskil ko na rin ang picture ng anak kong nasobrahan sa kagwapuhan. Pasensya na po at proud lang talaga ako. (Gab before his 1st year) |
Pauwi ako mula trabaho nang may makasakay akong magnanay sa jeep. Mestiza yung nanay at mukhang may dugong banyaga. Maging ang batang lalaking karga nya ay ganun din. Yun nga lang, may kakaiba sa bata. Parang Caucasian ang ama nito. Tisoy, halata pating gwapo. Hindi ko maidescribe pero ganun. Manipis ang buhok nya at pabilog ang hugis ng mukha. Mahabang mga pilik mata ang pumipitik pitik habang nakasakay sya sa jeep.
Sa gitna ng mainit, maingay at mausok na kahabaan ng Commonwealth ay naghahabol ng antok ang bata. Hula ko wala pa siyang isang taon pero malaki sya tignan. Namumungay ang mga mata nya. Unti-unting napipikit at lumalapat ang mga pilik mata. Bahagyang nakabuka ang bibig at nakasabit ang braso sa kamay ng nagkakarga sa kanya. Naglalaban ang antok ng bata at ang ingay ng kalsada at mga busina ng sasakyan.
May mga oras na kamuntik na talaga siyang magising. Napapangiti ang bata nang hindi nya alam. At ganoon rin ang epekto noon sa akin. Nagmumukha na nga akong engot dahil nangingiti ako nang parang walang dahilan.
Ansaya tignan nung bata, parang matanda lang dahil tahimik sya. Maging ang paglaban nya sa antok at ang pagsuko dito kinalaunan. Inosente. Naalala ko na naman ang anak ko. At ang pampatulog niyang haplos sa noo. Parang ako lang noong bata ako.
Sana nakarating nang maayos ang mag-ina sa pupuntahan nila. Sana rin, hindi naputol ang tulog ng batang iyon. Ang laking biyaya ng bata sa ating mga matatanda na at abala sa pagpapakamatay para sa trabaho, pambayad sa upa at matrikula, mga loans at kung ano pang utang.
Sana'y ganoong tulog ang maranasan nating lahat. Maliban sa mga taong salbahe, sana bisitahin sila ng kapre at pagbilutin sila ng mga higanteng sigarilyo habambuhay.

sabi nga ng anak ko one time, pag ngumiti daw sya sa ibang tao, ngumingiti din sa kanya pabalik. iba talga ang magic ng mga ngiti ng bata at ang nagagawa nito sa ating mga matatanda. ang cute ni gab sa pix...:)
ReplyDeleteTama, dahil kahit anong mangyari pag nginitian ka na ng bata, wala na. Tapos na. Kailangan mo nang ngumiti kahit nagngingitngit na sa galit ang almoranas mo hahahaha
DeleteSalamat sir! Ang cute at ang gaganda ng dalawa mong prinsesa!
Ang cute ng anak mo sir. Mukhang gwapo yan paglaki.
ReplyDeleteNakakatuwa talaga ang mga bata. Sa bahay namin magmula nang magkaroon ng bata parang sumaya ang aming tahanan. Yung mga bata talaga pag nginitian mo ngingiti din. Minsan nga kahit di ka ngumingiti ay ngingiti din yan.
"Sana bisitahin sila ng kapre at pagbilutin sila ng mga higanteng sigarilyo habambuhay<---LOL
Salamat, sir! Kung may ipagyayabang ako kahit anong oras, siya na yun. Siya na lang ang iyayabang ko, kahit ang sarili ko e wag na.
ReplyDeleteSinabi mo pa sir. Totoong "bundle of joy" wag lang tatamaan ng tantrums.
Hehe nakakatakot naman yun. Pag hindi tama ang pagbilot nila e sila ang gagawing posporo nung kapre.
lol
Deleteang cute ni Gab sa picture ano pa kaya pag personal, tunay sigurong nakakawala ng problema. Walang bata dito sa bahay, simulan ko na kaya at magkaroon na hehe.
ReplyDeletetotoo yan sir, haha payo ko magsawa muna sa buhay bago magdesisyong mag-anak
DeletePareho kayo ng mata daddy chee :)
ReplyDeleteHanggan mata lang ang pwede ko ikompara.
salamat sir! flattery ang maikumpara sa isang napakagwapong tulad ni gab
DeleteMagiging daddy blog na ba to? :)
Deletehaha we'll see sir. Kaso kakailanganin kong magtanggal ng maraming content kung ganun
DeleteWill continue to follow kung ano msn :)
DeleteAng cute-cute ni Gab! Kaso parang natatakot siya sa akin kapag dumadalaw siya ng UP hehe :D
ReplyDeleteMasayang mapaligiran ng mga bata! Parang sila ang epitomiya ng "there is certainty in uncertainty."
indeed, sir. pasensya na po at medyo suplado. namana rin ata nya sakin yun
DeleteAng pogi talaga ng anak mo! And marunong pang kumiliti ng camera!
ReplyDeleteSalamat, sir! He's my idol.
ReplyDelete