Thursday, November 8, 2012

100th Post! Tenteneneeeen!

Hindi ko inakalang aabot ako sa ganitong dami ng post dahil hindi ko naman talaga lubos na inalagaan ang blog ko na ito. Kung nabasa mo ang mga unang posts ko dito, ilang taon na ang nakalipas, class requirement ang pinagmulan ng address na 'to. Hindi ko rin inakalang magsusulat akong muli sa isang medium na bukas sa karamihan ngunit, totoo at hindi ko ikinahihiya, ay konti lamang ang nagbabasa (mahina kasi ako sa traffic generation at hindi naman mga "pop" ang mga paksa ng aking mga nililimbag na kwento o akda.)

Maraming salamat at umabot ako ng 100 posts. Marami ring salamat dahil maaaring ma-approve na ang postpaid application ko dahil napilitan akong kumuha nito dahil sa kawalan ng sariling cellphone.

Maiba ako, ang post ko ngayon ay maaaring iklasipika bilang NFSW o Not Safe For Wife este Work, dahil sa medyo maselang bahagi ng video na kasama rito.


DISCLAIMER: Hindi po ito promotion kundi isang pag-share lang dahil naaliw ako sa video at sa ideya ng gumawa nito. Sa aking opinyon, ito ay isang adbokasiya para sa mas malawak na pagbabasa. Hindi man buong tungkol sa pagbabasa ang tema ng video, muli sa aking opinyon ay doon rin ito tumutungo.

Basta ako, gusto kong subukang basahin ang librong binabasa nya. Pero sa tingin ko, walang makakatapos noon buhat sa reaksiyon nya sa dulo.


Note: I do not own the copyrights to this video. All credits go to Mr.Clayton Cubitt, a photographer based in Brooklyn, USA. Props to the model, too, Stoya, who, upon further research; also has her own book club. For the love of books. Please, if the owner is watching, make more episodes. We need more readers and books like this. Though the video may be removed from this site, you can still watch it on YouTube. Just use your account and enter "Hysterical Literature Sessions" and you're good to go.

Enjoy the video. Happy 100th!

8 comments:

  1. hindi pwedee mag access ng video kapag gamit ang internet ng unibersidad. mamayang gabi ko sisilipin yan.

    at yey! congratulations sa isang daang entries. fan ako. apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maaaliw ka sir, sa tingin ko lang ha.

      At sorry po. Nagpost ako ng bago. Hindi pala ito ang 100th post ko. *sigh* pero salamat po sa patuloy na pagbabasa!

      Delete
  2. happy 100th post ser! (kahit hindi na. XD) lol! katulad din ni ser overthinker, ako rin po ay isa ninyo fan dahil nageenjoy po ako mag-basa ng inyong personal blog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sir! Ayos!

      Delete
    2. haha. o ha o ha. dumadami na kami. pwede ka ng magtayo ng kulto :P

      Delete
    3. Salamat sir. Dahil dyan ginaganahan akong magsulat

      Delete
  3. Happy 1ooth post to u ser. Di ko mabuksan ang video nakabloacked kasi dito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sir! Sayang at di mo mapanood. Entertaining din yun

      Delete