Thursday, September 6, 2012

Manamit

Ang view mula sa lugar kung saan ako
sumipat ng mga happenings nang halos limang taon
Sabi ko noon, pag hindi ako pumasa sa school na gusto ko pasukan eh magta-tricycle driver nalang ako. Tinawanan ako ng mga kaibigan ko at na-shut up ng aking mga magulang. Bakit? E ano naman bang masama sa pagiging tricycle driver? Marangal naman, malinis ang pinagkakakitaan, isa sa mga backbone ng local transportation services.. ang isa namang choice ko e maging gun smuggler o drug runner pero naisip ko mabilis ang buhay ko dun. Baka hindi ako umabot ng 30 years old, mga 20 palang eh inuuod na ang bangkay ko. 

Side dish, nakapagdrive na ako ng tricycle, at sinasabi ko sainyo, hindi madali magdrive nun. Lalo na yung 170cc na Kawasaki Barako then add the difficulties of a moon trekker on the surface of Mars (only Mars, in reference here was Earth and the surface was ridden by potholes the size of manhole covers, yeah. Thanks local officials for doing us a favor by shaking our brains to a slush.) Another thing, ginawa ko yun nang nakainom.

Pero hindi dahil dun ang post ko. Awa ng Panginoong Maykapal, nakapasa ako sa ekswelahang inaplayan ko. Ilang taon na rin ba? Lima plus plus? Ang nakakatawa pa, bago ako magsettle sa campus na yun ay sinubukan ko sa iba, sa kabilang dako ng mapa, sa bandang timog katagalugan: ang lugar ng buko pie at mga natural hot springs. Pero hindi ako nakapasok, one week na palang tapos ang enrollment ng mga humahabol para sa admission. Malas. May instant friend pa naman sana ako dun, at magaling na manunulat siya; ayaw lang umamin.

Ayun na nga, doon ako sa norte nag-aral. Malamig sa campus pero maraming nakatsinelas at short shorts na pwedeng pumasang summer wear sa hotspots ng Pinas. Masaya sa campus dahil maraming bagong experience. Naks, experience, parang totoo lang.

Hindi ako nagsising nakapasok ako sa campus. Hindi rin ako nagsisi na hindi ako lumipat dahil nagkaroon ako ng tahanan at pamilya sa kampus.

Ni isang beses ay di ko inisip na dito ako papasok ng kapatiran; na dito ko makikilala ang mga taong huhubog sa akin sa lebel ng ideyolohiya, prinsipyo at paninidigan. Hindi ko rin naisip na makakatagpo ako ng mga gurong dibdiban(nakakatawang isipin dahil sa ilang imaheng nakita ko na sa nakaraang mga taon) ang dedikasyon sa pagtuturo, na makikilala ko ang mga taong kulang na lang ay umampon sakin para paiyakin lamang ako sa klase; pero may hot coco naman yun at donuts (meron ding pamasahe papuntang bangko na P500, "Pang-inom mo na yang sukli.") At lalong hindi ko inisip na dito ko makikilala ang magiging nanay ng aking anak. Hindi roller coaster ride e, parang Salt Race Flats drag race, blurred lang lahat sa bilis pero masaya balikan ang ika nga e 'ride.'

Pero, inisip ko rin ang magiging buhay ko sana sa katimugan. Malapit lang sa bahay, malapit sa dalawang ancestral homes (isang angkop ang laki para sa malaking pamilya at isa namang bunggalo kung saan pilit pinagkasya ang isang malaki ring pamilya), malapit sa mga resort, malapit sa mga kamag-anak.

Sa malaking campus kung saan masarap maglakad, doon rin kasi nagtapos ang isang  pinsan ko na tinitingala ko noong bata pa lamang ako (tinangkaran ko sya pero ganoon parin ang pagtingala ko sa kanya.) Inisip ko, masarap siguro magbasa ng libro doon, parang imahe ng Ivy League ang pumasok sa isip ko menos ang falling leaves at ang mga scarves at blazers at ang preppy khakis na bagay na bagay sa autumn season. Matututo kako siguro akong magsulat, makialam sa mga bagay-bagay ng lipunan at iba pang kaalaman sa isang state u. 

'Namit' siguro. At balita ko, masarap din daw ang pagkain, mura pa!

Paligoy-ligoy lang ang isip ko sa bagay na 'to. Hindi naman nakakasisi pero masarap din sanang maranasan. Ang sarap bumalik sa pag-aaral. Ipon lang at babalik din ako sa school, kaso itatago ko na ang student number ko. Sana wala akong maging teacher na kabatch ko.


2 comments:

  1. nakaka aliw ang mga entries mo kuyang...:)

    ReplyDelete
  2. Salamat sir! Naaliw din ako sa term na 'kuyang.' Tagal ko nang di narinig yun a. :)

    ReplyDelete