Thursday, September 6, 2012

inconsistent

"Ganoon ka nga ba kabilis makalimot? O sadyang di ka makaalala?

Yan ang problema, inconsistency hanggang maging normalcy. Sa mga panahon ng mabilis na pagsalo ng mga impormasyon at stimuli ay hindi na makasabay. Kasi naman, ang bilis mo. Pano ba kita mahahabol? Mas maliksi lang ako dahil sa unexplained wonders ng human genetics at pagkakaiba ng human male and female make-up pero pang Autobahn ang speed limit mo: pinahigang number '8.' Pano ka ba naman sasabay dun?

Siguro nga tama ka at ako ang problema. Pero... alam mong ayaw ko makipagtalo sa'yo dahil wala akong panalo pero... hinay hinay ka lang. Lumilipad ka na e. O baka ako lang yung nililipad dahil sa'yo?

Inom na lang tayo. Dun, makakasabay pa 'ko. Kahit may headstart ka pa.

Dahan dahan lang, giliw. Pa-virgin man, ganun talaga eh. Pasensiya na lang kung hanggang dito lang ang kaya ko sa ngayon. Hindi naman kita pinipigilan. Magiging mabagal 'to. Isang mahabang tiisan."

...

No comments:

Post a Comment