Friday, September 7, 2012

Isang gabi ng Hulyo

"Katulad ng iba pang maraming gabi, kaunti lang ang sinisinagan ng liwanag ng lamp posts at fluorescent lights. May malamig na hangin kahit katatapos lang ng tag-init. Well, hindi naman natatapos ang panahong iyon. Nagtatago lang sa wisik ng tag-ulan na nagbabadya sa gilid.

Hindi naman natin alam bakit andito yan. Basta andyan lang. Sana nga lang mas matagal na nating nalaman na andyan lang yan. Burgis, sarap magkape kaso mahal. Dibale, wala namang freeloader. KKB! Tawa, kwento, pero ang pangit ng post na to. Talagang pangit.

May filter pa yung litrato. Minsan nakakainis kasi wala akong ibang talent. Minsan nagtataka ako bakit matagal na kong nakatapat ng taong matagal na palang nasa kasaysayan ng aking friends list.

Bwisit, bwisit talaga. Sana ni-libre mo nalang ako para quits lang tayo."

No comments:

Post a Comment