this is how we die nakaw mula sa kaibigang balikbayan |
Masaya ang pagsasalu-salo namin. Bumalik kasi ng bansa ang isa sa aming pinakamalapit na kaibigan, treat nya ang alak at sagot namin ang pag-ubos nito. Plastado kami nang maubos ito. Buti nalang at maraming yelo pangkontra na rin sa sobrang init ng panahon. Wala kaming litrato habang nagkakasiyahan dahil abala sa pakikipagkwentuhan.
Minsan naiisip ko kung totoo bang tinatanggap ko na ang responsibilidad ng isang pagiging young adult. Napapansin ko kasing hindi naman nabawasan ang pakikisama ko sa mga kaibigan ko kahit na nagkaroon na kami ng mga trabaho at kanya kanyang pinagkakaabalahan.
Tumatanda kami pero parang hindi umuusad sa responsibilidad. Ang ginagawa ko nalang pag ganoon ang naiisip ko ay tinatagayan ko pa ang sarili ko nang mas mataas na shot, boom, tapos ang pagninilay-nilay. Sinasamantala ko lang ang panahon hangga't kaya. Mabuti na yung ganoon para sa'kin.
Mas mahirap naman maghanap ng ganitong samahan kesa magpapayat at magbawas ng bisyo. Maswerte talaga ako sa buhay ko. Pakshet.
No comments:
Post a Comment