Monday, April 8, 2013

2 weeks

Noong nakalipas na dalawang linggo ay halos hindi na ako pumasok sa opisina. Hindi ako hinahanap ng boss ko at talagang wala na kong nagagawa na pwedeng ilagay sa portfolio. Pakiramdam ko eh wala na akong nagagawang mabuti o di kaya'y nakukuha mula sa kasalukuyang trabaho ko. Nakakainis ako at ang kawalan ng oportunidad upang palawigin ang sarili. Non-productive talaga.

Buti nalang, yung dalawang linggong nakaw sa aking trabaho ay hindi naman napunta sa wala. Nakasama ko ang anak ko at mas nakapagbonding kami nang maayos. Kahit na puro "Ayaw, daddy" ang sigaw nya e nagkakakulitan naman kami. Nakakaaliw talaga ang bata kapag lumalaki na. Hindi ko lubos maisip na magtatatlong taon na siya. Ambilis. Gumugwapo pa si loko kahit unti-unti nang numinipis ang ngipin nya dahil sa formula milk nya. May katamaran din kasi siyang magsepilyo at nakakatulugan ang pagdedede.

Habang papauwi ako galing Baguio matapos ang isang linggong pag-ibig kasama ang aking anak at ang kanyang mommy, naisip ko na malayo na nga ang narating ko simula noong mga panahong sinubok ang tatag ko bilang isang tao at bilang isang lalaki. Mag-aapat na taon na rin pala nuong nagsimula akong tumulong sa negosyo ng pamilya ng mommy ni Gab bilang bantay sa puwesto nila sa palengke. Marami akong natutunan sa lagpas isang taon na pagtulong ko sa kanila. Mas naalala ko iyon noong nakita ko ang mga kargador, nagbubuhat rin kasi ako ng mga kaban ng bigas noon at nagkakamada kahit papaano.

Mabilis lang talaga ang panahon. Ngayon ay nasa isang dead-end job ako, dati naman ay estudyante lang na sumusubok guamawa ng paraan para sa isang parating na baby at pamilya. Napapaisip ako sa mga nangyayari, palagi naman e. Matapos ang post ko na ito ay susubukan kong ilabas lahat ng mga isipin ko noong nakalipas na dalawang linggo. Susubukan kong sumuka ng mga entries. Napapabayaan ko na ang talaarawan kong ito. Paano nalang pag may Alzheimer's na ako? Pano ko malalaman kung gaano ako kadaldal noong kabataan ko.

Alam kong walang patutunguhan ang post na to. Pasensya na at pumupurol na haha

3 comments:

  1. Finally! Akala ko kung ano na'ng nangyari sa'yo at walang bagong post nang napakatagal.

    ReplyDelete
    Replies
    1. recurring coma brought about by the oppressive heat and philippine religious traditions always get the best of me and my writing muehuehuehue

      Delete
    2. Ayos lang 'yan. Everyone deserves a break.

      Delete