Coed suicide sparks soul seaching at UP | Inquirer banner
March 19, 2013
|
Mahirap magsabi na "Sana hindi siya namatay kung may hustisya talaga sa loob ng paaralan" at mahirap ding banggitin na "Sana maganda ang pamamalakad sa loob ng Unibersidad at maintindihan ang [tunay] na kalalagayan ng mga estudyante." Sa tingin ko, hindi naman ganoon ang nararapat na istilo sa pagharap sa kasalukuyang mga pangyayari. Hindi na nga maibabalik ang buhay ng Iskolar na nilagutan ng isang bote ng silver cleaner at sa ganuong perspektibo ay dapat hindi na rin husgahan ang labanan.
Hindi nga naman maibabalik ng diskurso si Kristel ngunit isa itong daan upang maiwasan ang pagkakaroon ng panibagong kasong tulad nito. Maraming mga estudyante sa Unibersidad ang nangangapa sa mga salat na bulsa para makapagbayad ng tuition, at hindi lang sa U.P. ito naging problema at karanasan. Laganap. Sa pamamagitan ng pagbababa ng pulitikal na motibo at personal na interes ay magagawan ng paraan ang pagkukulang na ito sa parehong perspektibo: mag-aaral at Unibersidad.
Naging matalino lang sana ang mga tao sa pagharap sa pagkawala ni Kristel. Kung hindi man maging matalino ay maging mapag-unawa sa pangyayari. Hindi tanga si Kristel dahil kinitil niya ang sariling buhay. Hindi rin naman walang puso ang Unibersidad dahil hindi nakapag-enroll si Kristel. Ang pagbabaling ng sisi sa kung kanino at kung saan saan ay nakakainsulto lang sa pagkawala ni Kristel.
Hindi madaling mag-apply sa STFAP. Alam ko yun dahil nasubukan kong gawin nang isang beses at hindi na ako nakaulit pa dahil naging mas mahirap ang application process nito noong sumunod na taon. Marami na ngang mga mayayamang estudyante ang nakakapasok sa Unibersidad at dapat lang nga na magbayad sila ng mas mataas na matrikula base sa kinikita ng kanilang mga magulang. To each his own. Isang problema kasi ay maraming sagabal sa pagbabayad ng matrikula:
kawalan ng impormasyon - hindi alam ng mga estudyante na mayroong alternatibo para makapag-enroll
gabutas ng karayom na screening process - mahirap ang application at approval system sa STFAP
otomatikong paglalagay sa mga bagong Iskolar sa default bracket
kawalan ng installment plan sa pagbabayad ng matrikula
kung mayroon mang student loan, maiksi ang oras para mabayaran ito o di kaya'y wala namang guarantor para dito
student loan nga pero kulang ang pondo kaya hindi rin mabigyan ang karamihan sa mga nag-aapply rito
Opinyon ko ang mga nasulat sa taas. Maraming maaaring gawing paraan upang mailigtas ang napakaraming Kristel sa ating bansa. Gupo, talunan, walang laban.. iilan lamang sa mga salitang maaaring gamitin upang sumahin ang kaganapang ito na nagpailing, nagpaiyak, nagpagalit at nagpakilos sa maraming estudyante, guro, magulang, kapatid at kamag-anak.
Sa pagpanaw ni Kristel ay nasama ang pag-asa ng magulang sa maaaring naging maganda at matagumpay na karera nito sa pagtatapos sa Unibersidad. Ngunit isang kolektibo ng aral, ideya at paniniwala naman ang naging kapalit nito. Malaki ang naging bayad para matuto, makinig at maniwala ang mga tao sa paulit-ulit na pangyayaring ito. Nagkaroon ng pangngalan at mukha ang suliraning iyon. Sa tingin ko, ang kasalanan lang sa buong pangyayari ay hindi nabigyan ng patas na laban si Kristel.
Mailap ang magandang baraha kung may nag-iipit nito. Madali ring magsabi na nadaya ka kahit na walang pruweba. Minsan naman, kailangan mo lang magbalasa kahit hindi ka marunong lalo't kailangan na.
Nahirapan akong lakarin ang stfap ko nun. Hindi na ako bumalik nung sunod na semestre. Hindi ko naabutan ang 300 % increase.Pero isa ako sa nag aadvocate noon na hindi ipatong sa estudyante at pamilya ang bigat ng dagdag na matrikula. Isa ako sa nagsusulong sa dagdag na budget sa edukasyon ng pamahalaan. Ganun din sa pag-utilize ng mga idle assets ng Unibersidad.
ReplyDeleteHindi ko shiz ang pagsisi sa kung sino-sino sa pangyayari kay Kristel. Mas gusto ko tumulong na gumawa ng paraan para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
puno't dulo, marami talagang binibigong estudyante taun-taon. sistema nga talaga, sistemang binubuo rin ng mga estudyante, guro, trabahador at miyembro ng administrasyon at ibang sektor sa akademiya.
Deletemadali talagang magbaling ng sisi.
Parte ng statement ng CSWCD, kolehiyo kung san ako nagmamasters:
DeleteOver and above these, however, STFAP itself needs to be re-examined if it is indeed the best way to democratize admissions to the University. There could be a better program or policy. Some of the questions which we and University authorities can ask ourselves in this re-examination process are the following: Why are we requiring rich students to subsidize poor students if UP is a public university and entry is on the basis of academic excellence? How much is the university earning from student tuition and other fees? Cannot the government allocate that amount in the annual budget of UP? And should not a big chunk of UP’s budget increase for 2013 (which was a product of two years of major systemwide mobilization against budget cuts and higher state subsidy) go to programs benefiting students, especially those most in need?
A democratic admissions program or policy cannot just stand alone; it has to be complemented by measures to encourage students to work in order to support themselves and at the same time uphold the dignity of labor. Raising the remuneration of student and graduate assistants to realistic and competitive rates could be one step in this direction. Providing free or subsidized dormitory housing for underprivileged students could be another direction.
hear, hear.
Delete