photo from the great library of Tumblr |
Kanina lang ito nangyari at natuwa ako sa kinalabasan. Habang naghihimas ako ng tiyan pagtapos mag-agahan ay naisipan kong buksan ang telebisyon, inaasahan ko kasing aabutan ko pa ang umagang balita at tignan kung anong anggulo na naman ang gagamitin upang mambulag, mangmanipula at magpabago ng persepsyon ng mga tao ang mga tv networks.
Yun lang e hindi ko na inabutan ang balita, ang saktong lumabas sa screen ay ang Kris TV. Nakakatuwa dahil kagabi lang, habang nagbabasa ng dyaryo sa aking personal space and time na tinatawag kong 'poopoo time' eh nabasa ko ang isang artikulo ni Frank Cimatu tungkol sa isang libro. Guess what, bida si Kris dun, gaya ng marami pang librong satire na naisulat dahil makulay nga naman ang personalidad ng nakababatang kapatid ng kasalukuyang pangulo.
Mabalik ako sa aking kwento, nakita ko na nagpapamigay si Kris ng mga papremyo sa kanyang mga studio audience. Guess what uli, kasama sa papremyo nya ang 42K worth of grocery items from S&R. Hindi ko alam kung ano ang relevance ng number 42 kung bakit yung ang napili pero ang tingin ko kasi 42 na si Kris.
Anyhow, that's 'world class shopping' right there. And you've got 42,000 blingy pesos to spend for you and your family's needs. Nice. Ang nakakatawa talaga dun ay narinig ko si Melay sa background, sabi nya "Pangmayaman ang groceries dyan!" Hindi naman ako sensitive na tao dahil alam ko namang nanggaling rin sa hirap si Melay bago siya sumikat sa pagaartista at dala rin siguro iyon ng pagiging artista nya kung kaya't kailangan nyang magsalita ng mga ganoong bagay.
"Pangmayaman." Ewan ko pero quantifying at identifying ang tunog ng salitang iyon para sa akin. Ewan ko talaga.
Dagdag pa sa kwento ko ay iyong isang karansan ko noong nakaraang sabado. Kailangan kasi bumili ng donuts ng kasama ko sa J.Co para pampasalubong. Iniisip ko naman, ok lang kasi hindi naman siguro pipilahan yung pagbili duon, matagal na rin naman kasi ang brand na iyon tulad ng Krispy Kreme. Lintek, mali. Naknamputang haba ng pila ang sumalubong samin sa tindahan nila sa TriNoMa, as in 1 and a half hours ng pila. Ang nakakatanga sa nangyari noon eh ang mga tao mismo, hype yun e! Grabeng pagtitiis para lamang sa isang ideyang ibinebenta sa paraan ng magmumukha kang mayaman pag may hawak kang box ng overpriced donuts.
Peste, pero masarap nga naman raw yung donuts sabi nung kasama ko. Ang sabi ko naman, masarap nga e male-late ka naman sa trip mo papuntang Baguio. 2pm kasi ang byahe nya pero 1:30 eh andun pa rin kami at naghihintay na matapos bilangin ang mga klase ng donuts na inorder namin. Taragis. nagkakagulo ang mga tao sa loob ng tindahan. Parang palengkeng de-aircon at sa halip na isda, karne, manok, gulay, itlog, mantika, bigas, lumpia wrapper at mga spartan at rambo na tsinelas ang ibinebenta ay mga donuts na avocado, almonds, pink ewan at kung ano-ano pang fancy names.
Paglingon ko habang nasa loob kami ng tindahan ay muli na namang may mga biktima sa labas, nakapila, naiinip at naiinitan pero nagtitiis para makatikim lamang ng pansamantalang ligayang dala ng isang pangangailangang magpanggap at maging katanggap tanggap sa isang komunidad na mapagpanggap rin.
Buti pa ang Dunkin' Donuts, may mga magandang alaalang dala ng mga munchkins, cute na mga boxes at saya dahil tuwing uuwi ang mga magulang ko noon ay may pasalubong sila sakin.