Babala: mahaba ang post na ito, sayang sa oras.
Inggit - isang napakalakas na salita. Kung tatanungin ka kung "Naiinggit ka ba" ay ano ang mararamdaman mo?
Ang salitang iyon kasi ay madalas ipinupukpok sa mga kabataan, well, at least noong bata ako ay iyon ang naririnig ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naidudugtong ko siya sa salitang "damot." Susubukan kong ipaliwanag sa mga susunod pang parte ng post na ito.
Maraming bagay ang maaaring kainggitan - kayamanan, kasikatan, kagandahan, kabaitan, katalinuhan, kagalingan at marami pang salitang nagsisimula sa "ka." Inaamin ko, na sa ibang parte ng buhay ko ay nakaramdam ako nito.
Nakakainggit naman kayo, ang ganda ganda ng relationship nyo.
Nakakainggit naman, ang sarap ng burger dun a.
Nakakainggit naman, magkakasama ang pamilya nila pag gumagala.
Nakakainggit naman, napapanood niyang lumalaki ang anak niya.
Katulad ng naunang isinulat ko, maraming bagay ang pwedeng kabitan ng salitang "inggit" at marami ring paraan kung paano ito ipahihiwatig.
Sabagay, malakas nga talaga ang salita kung susumahin ang mga maaaring mangyari kung papapanalunin ito sa buhay ng isang indibidwal. Maaaring magsimula sa inggit ang galit, muhi, intensyon upang kumitil at iba pa. Ang problema kasi, ang tinitignan ay iyong wala sa mga kamay kundi ang mga nahahawakan ng iba.
Mali rin. Ewan ko ha, andami ko dapat kainggitan pero hindi ako naiinggit. Mayroong mga taong mas maraming pera, oo naman, masarap magkaroon ng maraming pera pero saan mo ba gagamitin ang lahat ng yun? Tissue paper na gawa sa dollar bills?
Mayroong mga taong masaya ang buhay pag-ibig at halatang halata naman sa Facebook, Twitter, Instagram at kung saan pang media platform. Mabuti yun. Hindi na natin kailangan pa ng mga taong iniiyakan ang pagiging "friendzoned" nila. Mali ang pag-intindi nila sa pag-ibig.
Mayroong mga taong matagumpay sa buhay. Maganda ang mga career, may ipon sa bangko at pinapaliguan ng parangal sa kanilang mga kumpanya. May mga bonus pa mula sa boss nila na trip to Honolulu or Guantanamo. Yun ay dahil pinaghirapan nila ang mga iyon. Hindi naman sila umuupo lang sa opisina at nagmumukha lang busy kasi nagta-type pero yun pala nagta-Tumblr lang o nagba-blog tungkol sa insecurities nila sa mundo. May dahilan kung bakit kaya nilang uminom ng mga mamahaling alak at kumain sa mga magandang restong nakikita mo lang sa tv o magazine: PINAGHIRAPAN NILA YUN.
Mayroong mga taong alam na ang kanilang gagawin sa kanilang buhay. Kumabaga natuklasan nila kung saan sila masaya at nagkataong nagka-big break pa. Wag kang mainggit. Hanapin mo rin ang bagay na magpapasaya sayo at gawin mo yun hanggang sa mamatay ka sa ligaya. Lumikha ka ng sariling obra at gumawa ng sariling imahe na gusto mong makita sa sarili mo at hindi yung mula sa perspektibo ng mga taong nakapaligid sayo. Ang paghahanap mo sa gawaing makapagpapaligaya sayo ay isang pagkasawi dahil masyadong mabigat ang balls mo sa kakapalaki mo dito gamit ang katamaran at kawalan ng disiplina. Tandaan mo, kung mataas ang potential energy ng malaking balls mo eh di mas mahirap itong pigilan pag umaandar na. Diba, Physics lang?
Mayroong mga taong masaya dahil pinipili nilang maging masaya sa mga bagay na nakikita nila. Pinipili nilang tignan ito mula sa isang vantage point na akma para rito. Tangina, ang saya na nga nila tapos kokontra ka pa? Boo, downer. Nagiging masaya sila para sa ibang tao na walang pag-iimbot at pagkikimkim ng sama ng loob. Minsan nakakainis rin pag masaya yung taong kinaiinisan mo kasi talagang asar ka pero wag mo nalang ipakita. Wag ka na manghawa.
Minsan tinatanong ko parin ang sarili ko: Hindi ba ako naiinggit kahit dapat na akong mainggit? Ang sagot ko sa mala-Vagina Monologue na ito ay simple lang: hindi. Simpleng hindi dahil hindi magandang palaguin ang pakiramdam ng inggit. Dapat akong mainggit pero hindi. Ginusto mo ang mga bagay na tinatamasa mo ngayon. Hindi dapat ang sagot mo.
mahaba nga. pero dahil may sense ka magsulat binasa ko ng buo.
ReplyDeleteako naiinggit. pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na kontento ako.
patuloy pa nating kumbinsihin ang sariling walang puwang ang inggit sa taong kuntento sa kanyang mga kasalukuyang tinatamasa
DeletePansamantala muna ser na mamamaalam. Mawawala muna dahil may mga seryosong stalker na ayaw kong makita ang mga kabalbalang sinusulat ko. I hope u keep on writing. Isa ang entries mo sa seryoso kong inaabangan.
DeleteThe wise and smart do not get envious. They know better.
ReplyDeleteHindi naman nasayang ang oras ko. :)
indeed. :)
DeleteWell said. Hwag natin palaguin ang ingit na nararadaman. Piliin nalang natin maging masaya para sa taong kinaiingitan natin.
ReplyDeleteMahaba nga eto pero binasa ko. Nacurious ako kasi tagalog, parang nung nakaraan ay puro english ang nababasa kong post mo.
mas maganda kasi ang dating kung parang kausap lang ang readers gamit ang kolokyal o sariling wika.
Deletemasarap manalo laban sa inggit :)
Apir! Kung alam mong you're better than the rest (kahit na may posisyon sila sa mga magazine), okay lang. Pagbigyan natin sila ngayon. Sabi ko nga, GOLDEN AGE NATIN WHEN WE HIT OUR THIRTIES! :)
ReplyDelete