Monday, October 12, 2015

Tayo at Sila


Tayong mga nasisilaw sa kintab ng mga bagay
Tayong mga nagsisikap para sa luho
Tayong mga sabik na magpakitang gilas
Tayong sawa sa mga kapritsohan ng buhay ngunit patuloy na bumibili
Tayong mga sumusuko sa kalsada ngunit gigising kinabukasan para sumabak uli
Tayong mga bulag, pipi at bingi - nagmamaang maangan sa hinagpis ng estado
Tayong mga walang pakialam sa kanila


Silang walang mga mukha
Silang walang mga pangalan
Silang mga walang tirahan
Silang silat sa katarungan
Silang mga nakabukas ang palad
Silang mga sabik sa dunong at pagkakataon na ipinagkakait
Silang mas mapagbigay pa kahit sariling isusubo na lang ay inaagaw pa
Sila sana ang nauna pero tayo pa rin ang mabilis


Tayo ang maramot sa katiting na handog
Tayo ang ilag sa kanila dahil sa kanilang panlabas na itsura
Tayo ang lumalayo dahil sa mga konseptong nakatanim sa isipan natin
Tayo ang sakim at sarili lamang ang iniisip
Tayo ang kawawa sa huli
Ginhawa o konsensya?

No comments:

Post a Comment