Wednesday, September 24, 2014

Big night, every night


"Ser, ni-request ka nito. Type ka raw!"

Tinapik ng manager ang balikat ko matapos ibulong sakin yung mga linyang yun. Halos di na nga bulong kasi napakaingay sa loob. Halos di ko rin marinig ang kaluluwa ko. Tumango na lang ako at nag thumbs up sa manager.

"Hi, I'm Maxx."

"Hi, Maxx. Ako si ---."

Petite na babae si Maxx. Layered ang mahabang buhok nya. Itim ang kulay sa pagkakaalala ko. Hindi ko rin gaanong makita dahil malabo na ang mata ko at hindi bababa sa tatlong kulay ang nagsasabay na nagsasayawan sa loob. May strobe light pa nga e.

Maganda rin si Maxx. Halatang bata pa sya. Around 19-22. Pwede rin namang mali ang hula ko at mas matanda sya sakin. Maganda ang hubog ng katawan nya. Mukhang nakakakain naman sya nang tatlong beses sa isang araw.

Nag-alok ng handshake si Maxx. Kinuha ko naman bilang pabigay galang. Hindi nya binitawan ang kamay ko. Firm naman ang handshake nya, halatang madalas nyang ginagawa.

"Bakit Maxx ang pangalan mo? Curious kasi ako. Di ba panlalake yun?"

Hawak nya pa rin ang kamay ko.

Nakakabingi pa rin ang ingay sa loob. Lugi ako at medyo bingi ako.

"Ah. Maxx. Candy kasi ang dati kong pangalan dito. Pinalitan lang ng Maxx."

Unti-unting humina ang hawak nya sa kamay ko.

Maxx - Candy. Aaaaa. Maxx na kendi. Okay. Witty.

"Aaaaaaaaaah. Okay. Ayos a."

Medyo paos na ko ng parteng yun. Mag uumaga na.

"Hindi ba masakit yung ginagawa mo?"

"Yung alin?"

"Sa ano. Dun. Sa split."

"Ha? Split?"

"Doon sa pagsplit mo nang patalikod?"

Nag-demo ako gamit ang daliri ko para makita nya kung sakaling di nya ko marinig.

"Ah. Hindi no. Ba't naman ako masasaktan dun?"

"Wala lang. Mukhang masakit e!"

Parang wala lang sa kanya yung pagsplit. Medyo nakasimangot pa nga nung tinanong ko kasi parang ang weird ng unang tanong ko sa kanya.

"Hindi. Hindi masakit. Kung masakit yun edi sana di ko ginawa."

"Ah okay. Basta bukhang masakit. Kung ako siguro yun wasak na p----- ko."

Di sya sumagot. Maingay pa rin sa loob. Nagbuhos ako ng beer at nagsindi ng isa pang yosi. Mag-uumaga na talaga.

No comments:

Post a Comment