Maraming dapat sabihin pero saan ba ako magsisimula. Siguro dun nalang sa parteng gumugulong na uli ang buhay ko sa maraming paraan. May bagong trabaho na pakiramdam ko ay magsisimulang magbigay sakin ng direksyon na kailangan ko ngayon. Nakakatuwa lang dahil saktong sa linggo ng kaarawan ko e nagkaroon ako ng trabaho. Sakto. Birthday gift. Katunayan nga eh niregaluhan ako ng mga kaopisina ko ng cake at pinagsaluhan namin yun. Mababait sila at kwela. My kind of people.
Nagbirthday ako sa steps ng building kung saan nakabase ang opisina namin. Kakatapos lang kasi ng shift at nag overtime rin kami dahil sa mga ginagawang trabaho. Can't complain. It feels better this way. Maraming dapat ipagpasalamat, isa na dun ang mga kasama ko sa opisina.
Happy 23d! |
Dito ko masasabing lalago ang kakayahan ko bilang manunulat. Hindi man pulitikal o kahit may bahid ng social pro-activism ang gampanin ko bilang manunulat eh masasabi ko namang masaya ako sa ginagawa ko. Mas mabuti na yun kesa sa isang trabahaong ginagawa mo lang para sa kakarampot na sweldo at masabing "may trabaho ako."
Isa pang dapat kong banggitin sa sulatin kong ito ang pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon para maging mas mabuting kapareha sa aking sinisinta. Wanep, "sinisinta." Pero pwera biro, salamat para doon. Alam kong sablay ako sa maraming bagay at mahalaga sa akin ang mga nangyaring yun. Mahal kita, alam mo yan. Siguro lang ay mas maganda kung sinasabi ko ang mga ito sa harap mo. Ganito lang ako, pero pramis, mula rito magiging ayos na ang lahat.
Saka na lang uli. Salamat pa rin. Nasabi ko na ba yun?
Tatay Chee, magandang uri nga ng pride yan. Hindi masasayang ang pinag aralan, hilig at talento.
ReplyDeleteMukhang balik ayos ang mga bagay sa buhay a. Swabe din pagpiFilipino ,o sa sulating ito.
tama, ser. pride lang haha
DeleteMarami talagang bagay ang dapat ipagpasalamat! :) Good for you, nakuha mo ang job na para saiyo talaga. Gratz!
ReplyDeleteoo, ser. malaking bagay! salamat po!
Deleteayan, may new job ka rin just like me. :) masarap sa pakiramdam pag may new job.
ReplyDelete