Balak ko sanang dumaan sa Diliman para makipagkita sa isang batchmate ko noon sa UP. Brod ko rin siya sa Frat kaya naging masaya ang kwentuhan namin habang kumakain ng pan de coco na binili namin mula sa isang naglalako sa loob ng campus. Naka-bike yung tindero. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga panahong lumipas. Good times, good times. Tawanan lang at nag-usap na rin tungkol sa patutunguhan ng mga buhay namin. Uninspired at medyo bigo. Nasa slump kasi kami pareho. We need to get over that hill.
Hindi pa iyon ang mabuting nangyari sa nakaraang araw. May nag-tweet sa'kin na dating kaklase sa kolehiyo. Sabi niya, na-publish raw ako sa Young Blood. May mas bubuti pa pala sa buhay na walang sakit at simple ang problema.
Bata pa lamang kasi ako ay gusto ko nang ma-publish sa Young Blood. Nakakatuwang isipin na nangyari na at sa panahon pang hirap akong maghanap ng magandang bagay na dapat ipagdiwang.
Nanay ko rin kasi ang nagsabing magiging proud siya sakin pag na-publish ang gawa ko dun. Ayan, pinabasa ko sa kanya at tinanong kung na-gets nya ba. Sabi lang e "Okay naman. Hopeful. Ano ba ibig mo'ng sabihin dito?" Alangya, nanay ko nga talaga 'to. Kahit di na nya gets e "good job, anak!" pa rin ang sagot. Naglambing ako sa nanay ko noong inabot ko yung dyaryo, alam ko na maliit na bagay lang 'to pero it's the little victories in life that make us remember the grand narrative of a 'beautiful life.' Isang simpleng pangarap na hindi inakalang matutupad. Niyakap ko ang nanay ko mula sa likod habang nakaupo siya sa kama at sabay halik sa balikat, buti nalang hindi niya pinansin yung bilbil kong dumikit sa tagiliran niya.
Isang mabuting bagay ang nangyari.
Itinuloy na rin namin ang kasiyahan namin sa bahay. Inimbitahan ko ang dalawang Brods ko na parehong galing sa UP Baguio para makita naman nila ang little piece of heaven namin. Nagkatuwaan na ring magdagdag ng drinks at magkwentuhan nang mas mahaba. Ipinagdiwang din namin ang Mayo Uno sa pamamagitan ng pag-ubos sa tatlong litrong beer na nagpapawis sa lamig. Halos matuyuan na kasi kami ng katawan sa sobrang init ng panahon.
si batchmate at si bunso |
Nag-enjoy daw sila sa bahay. Masasarap raw ang pagkain. Panalong panalo raw yung sopas na niluto ng tatay ko. Hangover cure. Crunchy din daw yung daing na dilis na niluto ko pang pulutan. Masarap talaga yun.
Buti nalang may mga mabuting bagay pang nangyayari.