Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Thursday, November 5, 2015

Doon sa malayo
Umaabot ang bulong ng mga alon
Gaano man kaliit at kahina
Darating at babangga sa kabilang dulo ng kongkretong dalampasigan
Makinang sa liwanag ng araw
Tahimik sa paghiwa ng de-makinang mga bangka
Aalis at babalik sa pantalan lulan ang pangangailangan at pagtupad sa pangako ng isa na namang araw
Salamat, umaga.

Sunday, October 18, 2015

Pagluha. Banayad na dumaloy ang bawat patak sa iyong mukha. Marahan. Payapa. Sinasalungat ito ng dibdib mong di matimpi ang alimpuyo ng damdamin, apoy, at alaala. Tila isang dibuho kung saan nag-aagaw ang kulay at mensahe. Sa bawat guhit, ikaw ang inaalala ngunit pilit mong nililimot.


###

Monday, October 12, 2015

Tayo at Sila


Tayong mga nasisilaw sa kintab ng mga bagay
Tayong mga nagsisikap para sa luho
Tayong mga sabik na magpakitang gilas
Tayong sawa sa mga kapritsohan ng buhay ngunit patuloy na bumibili
Tayong mga sumusuko sa kalsada ngunit gigising kinabukasan para sumabak uli
Tayong mga bulag, pipi at bingi - nagmamaang maangan sa hinagpis ng estado
Tayong mga walang pakialam sa kanila


Silang walang mga mukha
Silang walang mga pangalan
Silang mga walang tirahan
Silang silat sa katarungan
Silang mga nakabukas ang palad
Silang mga sabik sa dunong at pagkakataon na ipinagkakait
Silang mas mapagbigay pa kahit sariling isusubo na lang ay inaagaw pa
Sila sana ang nauna pero tayo pa rin ang mabilis


Tayo ang maramot sa katiting na handog
Tayo ang ilag sa kanila dahil sa kanilang panlabas na itsura
Tayo ang lumalayo dahil sa mga konseptong nakatanim sa isipan natin
Tayo ang sakim at sarili lamang ang iniisip
Tayo ang kawawa sa huli
Ginhawa o konsensya?

Tuesday, September 18, 2012

The King of Small Things


Tula Tuesday~

Napasulat ako habang nakaupo't naghihintay sa lumang terminal ng Victory Liner sa Caloocan. Madumi, medyo madilim at maulan. In short, boring. Pero good pa rin, excited ako sa reaction ng kalaro ko pagtapos ng biyahe. At magugulat ako kasi yayakapin niya ko.